CJ POST | Babaeng huwes, humabol sa deadline ng pagsusumite ng aplikasyon

Manila, Philippines – Isang babaeng hukom ang huling humabol sa paghahain ng aplikasyon sa pagka-punong mahistrado.

Ito ay sa katauhan ni Judge Virginia Tehano ng Tagum City, Davao Del Norte RTC Branch 1.

Sa kabuuan,Umaabot na sa lima ang mga aspirante sa chief justice post.


Kanina ay tinanggap na rin ni Associate Justice Teresita de Castro ang automatic nomination sa kanya sa pagka-punong mahistrado.

Una nang tinanggap nina Supreme Court Associate Justices Lucas Bersamin, Diosdado Peralta at Andres Reyes Jr. ang nominasyon sa kanila.

Noong Martes naman ay pormal na nag-decline sa nominasyon si Acting Chief Justice Antonio Carpio

Ngayong araw ang huling araw ng pagpa file ng aplikasyon sa chief justice post at ngayong araw din ang huling araw ng paghahain ng kumpletong requirements ng mga aplikante at nominado.

Facebook Comments