Manila, Philippines – Tatlong miyembro lang ng Judicial and Bar Council (JBC) ang bumoto kay Supreme court Associate Justice Andres Reyes Jr., para mapabilang sana sa shortlist sa chief justice post.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra na isa sa mga voting member ng JBC, hindi sapat ang nasabing boto para makapasok sa shortlist si Reyes.
Dahil anim ang miyembro ng JBC, kailangang makakuha ng 4 na boto ang isang aplikante para maituring na majority vote.
Nakakuha ng tig-anim na boto o lahat ng JBC member bumoto kina Justices Teresita De Castro at Diosdado Peralta habang 5 naman ang pumabor kay Justice Lucas Bersamin.
Dahil sa pagkaka-disqualify ng pang-limang nominado sa pagka-chief justice na si Judge Virginia Tehano-Ang, tanging si Justice Andres Reyes lang ang hindi napabilang sa shortlist.
Ang tatlong kasama sa shortlist ay ang most senior justices ng Korte Suprema habang si Reyes naman ay ang 2nd most junior o isa sa pinakabagong mahistrado ng Korte Suprema.