CJ POST | Mga hahabol na aplikante sa Chief Justice post, mayroon na lamang natitirang 2 araw

Manila, Philippines – Hindi na palalawigin ng Judicial and Bar Council ang Oct. 26 deadline nito sa pagtanggap ng aplikasyon para sa mga nais maging Chief Justice.

Sa ngayon, ang mga tanging aspirante sa pagka-punong mahistrado ay sina Associate justices Antonio Carpio, Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Estela Perlas Bernabe at Andres Reyes Jr.

Nilinaw naman ni Justice Sec. Menardo Guevarra , JBC ex-officio member , na bukas naman ang nominasyon o aplikasyon sa chief justice post sa mga taga labas ng Supreme Court.


Ito ay basta’t tatalima sila mga nakasaad sa section 7 ng article 8 ng 1987 Constitution na hindi dapat bababa sa 45 taon ang edad, natural-born FIlipino, at 15 taon o higit pang nanungkulan bilang hukom o ng pagpa-practice ng law.

Facebook Comments