CJ POST | Pagtalaga kay de Castro sa Supreme Court, ‘well deserved’ – ayon kay Sen. Richard Gordon

*‘Well deserved’*

Ito ang pahayag ni Sen. Richard Gordon, Chairman ng Senate Blue Ribbon Committee matapos italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong Supreme Court Chief Justice si Teresita de Castro.

Ayon kay Gordon – kaya ni de Castro na hawakan ang isyu ng kakulangan ng mga korte at iba pang problema sa hudikatura na maari niyang talakayin kasama si Pangulong Duterte.


Binigyang diin din ng Senador na maganda ang record ni de Castro sa Korte Suprema.

Si de Castro ay 1972 University of the Philippines (UP) Law graduate.

Magtatapos ang dalawang buwang tenure ni de Castro sa high tribunal sa October 10 kasunod na rin ng mandatory retirement age na 70.

Facebook Comments