CJ Sereno, hinihingan ng detalye ng mga naging gastos nito sa kinita sa Piatco case

Manila, Philippines – Hinamon ni House Deputy Speaker Gwen Garcia ang kampo ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno na ipakita kung saan napunta ang kinita nito sa Piatco case na hindi naideklara sa kanyang SALN.

Ayon sa kongresista, pinag-aralan nya ang sagot ni Sereno sa complaint ni Atty. Larry Gadon pati na ang SALN nito pero hindi tumutugma ang mga numero.

Sa reply ni Sereno, sinabi nito na 30 million pesos ang kinita niya sa Piatco case kung saan mahigit 8 million dito ang ibinayad sa buwis kaya mahigit 21 Million lamang ang aktwal na napunta sa kanya.


Ang halagang ito ay pinambili ng bahay, mga gamit, kotse at iba pang gastusin gaya ng edukasyon ng kanyang mga anak.

Lumalabas na gumastos si Sereno ng 115,000 kada buwan para maubos ang halagang ito.

Para mapaniwalaan ito, sinabi ng mambabatas na dapat magsumite si Sereno ng mga resibo at mga dokumento na magpapatunay ng mga naging gastos nito.

Facebook Comments