CJ SERENO IMPEACHMENT CASE | 2 Psychiatrist na nagbigay ng bagsak na grado kay CJ Sereno, ipapatawag

Manila, Philippines – Iimbitahan sa susunod na pagdinig ng House Committee on Justice ang psychiatrist na nagbigay ng failing marks o bagsak na grado kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Justice Committtee Chairman Reynaldo Umali, padadalhan nila ng imbitasyon ang dalawang psychiatrist na nagbigay ng bagsak na grado kay Sereno.

Sinasabing ang dalawang psychiatrist ay hindi na ni-renew ang kontrata at napatalsik noong 2013 matapos ang psychological test na ginawa kay Sereno na noon ay umuupo din bilang JBC Chairman.


Ang dalawang psychiatrist na kinuha ng Judicial and Bar Council ay binigyan ng rating na 4 si Sereno sa scale na 1 highest at 5 lowest.

Kinakitaan din umano si Sereno ng projected na `happy mood` at depressive remarks.

Maliban sa dalawang psychiatrist na hindi pa pinangalanan na iimbitahan, kasama din sa padadalhan ng imbitasyon ng Komite sina SC Justices Mariano Del Castillo at Andres Reyes, retired SC Justice Adolf Azcuna, Court of Appeals Justice Remedios Salazar-Fernando, at iba pang court officials.

Facebook Comments