CJ SERENO IMPEACHMENT CASE | Mas maraming SC justices, tetestigo

Manila, Philippines – Mas marami pang Supreme Court justices ang inaasahang tetestigo sa pagpapatuloy ng impeachment hearing laban kay sc Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa Enero 15.

Kabilang na rito sina Senior Associate Justice Antonio Carpio, Associate Justices Mariano Del Castillo at Lucas Bersamin.

Una nang tumestigo sina Associate Justices Teresita De Castro, Noel Tijam at Francis Jardeleza, at Retired Justice Arturo Brion


Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez, sapat na ang kanilang testimonya para makitaan ng probable cause ang reklamo.

Nanawagan rin si Alvarez kay Sereno na dumalo sa mga pagdinig para ibigay ang kaniyang panig.

Pero giit ng kampo ni Sereno, hindi pa kailangan na humarap sa House Committee on Justice ang Punong Mahistrado.

Facebook Comments