Manila, Philippines – Kinukundena ng MAKABAYAN ang umanoy iregular na proceeding ng House Committee on Justice sa pagtukoy sa probable cause ng impeachment complaint laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Giit ng MAKABAYAN sa Kamara, iregular at walang due process ang naging proseso kanina dahil hindi naman natalakay isa-isa ang mga alegasyon laban sa Punong Mahistrado.
Dito sana makikita kung talagang may sapat na basehan para itulak ang impeachment complaint sa Senado.
Pero wala namang napatunayan ang komite sa mga alegasyong inihain ni Atty. Larry Gadon at sa katunayan hindi kumpyansa ang complainant na mapapatalsik si Sereno dahil ito pa mismo ay nanawagan na magbitiw ang Punong Hukom.
Dagdag pa dito, unprecedented din ang proseso dahil sa mga naunang impeachment cases kay dating Ombudsman Merciditas Gutierrez at dating Chief Justice Renato Corona nabusisi at na-isa-isa ang mga grounds para sa determinasyon ng probable cause ng reklamo.