CJ SERENO IMPEACHMENT CASE | Pagdinig, susubukang tapusin sa Marso

Manila, Philippines – Susubukang tapusin ng House of Representatives sa buwan ng Marso ang pagdinig sa impeachment complain laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez, dapat ay nakahanda na ang report ng committee on justice para makaboto pa ang kongreso bago ang isang linggo nitong Holy Week recess sa March 24.

Pero nilinaw ni Alvarez na hindi ito pwedeng madaliin dahil ayaw nilang maulit ang nangyari sa Corona Impeachment kung saan nabalewala ang iba pang ebidensya na nakahanda.


Ayon naman kay Chair Committee On Justice, Rep. Reynaldo Umali, hindi sila magmamadali dahil marami pa ang nakapila para magbigay ng testimonya, kabilang na sina Justices Antonio Carpio, Samuel Martires, Mariano Del Castillo, Diosdado Peralta at Andres Reyes Jr.

Matatandaang dumalo na sa mga nakaraang pagdinig sina SC Justices Teresita De Castro, Noel Tijam, Francis Jardeleza at ang Retired Justice na si Arturo Baron.

Facebook Comments