CJ Sereno, nananatiling kalmado sa kabila ng kinakaharap na impeachment case

Manila, Philippines – Nananatiling kalmado si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa kabila ng pinagdadaang impeachment case laban sa kaniya.

Ayon kay Atty. Aldwin “Winnie” Salumbides, hindi apektado, at katatagan lang ang makikita sa punong mahistrado sa mga ibinabatong alegasyon sa kaniya.

Aniya pa, ayaw din umano ni Sereno na madamay ang Korte Suprema at mga empleyado sa kinakaharap na isyu.


Dagdag pa nito, kampante si Sereno dahil alam aniya nito na walang katotohanan sa mga naturang alegasyon.

Facebook Comments