CJ Sereno – sasampahan ng impeachment complaint dahil sa kontrobersyal na pagbili ng kotse

Manila, Philippines – Handa nang maghain ng impeachment complaint ang isang abogado laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ito ang inanunsiyo kahapon ni Atty. Lorenzo ‘Larry’ Gadon, dahil sa umano’y kontrobersiyal na 8-milyong pisong halaga ng sasakyan na binili ni Sereno at ang hindi niya ganap na pagdeklara ng Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN).

Ayon kay Gadon, na isa sa mga hindi pinalad na manalo noong may 2016 senatorial elections, hindi makatwiran ang pagbili nito ng mamahaling sasakyan gamit ang pondo ng bayan lalo na’t inutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na magtipid ang mga opisyal sa paggastos ng budget ng pamahalaan.


Bagamat sigurado siyang mabigat ang mga hawak niyang ebidensiya, hindi pa rin binanggit ni Gadon ang buong detalye ng reklamong kanyang isasampa para hindi aniya ito mapaghandaan ng kampo ni Sereno.

Sa ngayon ay may mga kongresista na siyang nakausap na mag-eendorso ng kanyang reklamo.

Facebook Comments