CJ Sereno, tiyak na mai-impeach – kongresista

Manila, Philippines – Nakatitiyak si Kabayan Rep. Harry Roque na mapapatalsik sa pwesto si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Roque, ilan sa mga grounds ng reklamo ay mayroong sapat na basehan matapos niya itong pag-aralang mabuti.

Tiyak din na may mabubuong articles of impeachment ang Justice Committee na maiaakyat at mapagbobotohan sa plenaryo ng Kamara.


Kung magtutuluy-tuloy ito ay asahan na magkakaroon na ng impeachment trial sa Senado sa mga susunod na araw.

Kasabay ng pahayag na ito ay sinopla ni Roque ang hirit muli ng kampo ni Sereno na katawanin ng Chief Justice an mga abogado nito upang makapagtanong sa mga saksi sa impeachment complaint.

Giit ni Roque, hindi Punong Mahistrado ng Kamara si Sereno kaya dapat na matuto itong sumunod sa rules ng Mababang Kapulungan.

Facebook Comments