Claim ng DOJ na 99.9% na solved na ang Degamo slay case, tinawag na maagang pang April fool’s day ni Atty. Ferdinand Topacio

Tinawag na April’s fool joke ni Atty. Ferdinand Topacio ang claim ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla na 99% nang solved ang kaso ng pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

Sa Pandesal Forum sa Quezon City, sinabi ni Atty. Topacio na abugado ni Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves na palaisipan sa kanya kung ano ang batayan dito ni Remulla.

Ayon kay Topacio, kung totoong 99% nang lutas ang kaso paano pa maididiin sa kaso si Congressman Arnie Teves kung 0.1% na lang pala ang bahagi ni Teves sa kaso.


Aniya, kung tunay na hawak na ng awtoridad ang umano ay “main player” sa pagpatay kay Degamo, bakit mag-aantay pa ng dalawang araw bago ito iharap sa media.

Kabilang sa mga dumalo sa forum ay sina Atty. Rose Erames-Lovely, Negros Oriental-based lawyer ni Teves at Atty. Michael Mella.

Nababahala naman si Atty. Michael Mella sa mga pattern ng mga reklamo ng psychological pressure at torture ng mga inaresto sa mga raid ng Criminal Investigation and Detection Group sa mga bahay ng mga Teves.

Umapela ang mga abogado kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na silipin ang involvement ng mga pulis sa alegasyon ng harrasment at torture.

Facebook Comments