Nasa kustodiya na ng NAIA PDEA-Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) ang babaeng claimant ng apat na parcel na naglalaman ng higit sa 32 kilograms na hinihinalang shabu mula Zimbabwe.
Kinilala itong si Christine Tigranes na inaresto kagabi sa isang warehouse sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) complex matapos niyang i-claim ang parcel kung saan nakalagay ang bulto-bultong shabu.
Natuklasan ng Bureau of Customs (BOC) at NAIA-PDEA ang laman ng apat na parcel na ideklarang machinery muffler matapos dumaan sa x-ray machine at physical examination.
Inilagay pa umano sa loob ng makapal na bakal o machinery parts ang 32.13 kilograms na hinihinalang shabu na may standard drug price na aabot sa ₱218,484,000 million ang halaga nito.
Depensa ng suspeck inutusan lang daw siya ng kanyang boss para kunin ang naturang parcel mula Zimbabwe ng bansang Africa.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad kung sino ang mga sangkot sa tangkang pagpupuslit ng mga iligal na droga papasok sa bansa.