Maaari nang matanggap ng mga miyembro ng Social Security System (SSS) ang kanilang claims at benefits sa pamamagitan ng digital mobile wallet na PayMaya.
Ito ay hakbang ng SSS para na rin mapanatili ang physical distancing.
Ayon sa SSS, kailangan lamang i-enroll ng kanilang mga members ang kanilang PayMaya account.
Oras na ma-enroll ito, ang proceeds mula sa SSS funeral at unemployment benefits ay papasok na sa PayMaya account.
Inaasahan namang matatanggap na rin ng mga members ang kanilang calamity, salary at iba pang loans sa pamamagitan ng PayMaya.
Facebook Comments