Claims ng mga ospital, mababayaran na ng philhealth

Mababayaran na ng PhilHealth ang claims ng mga ospital at iba pang health institutions.

Ito ang pangako at katiyakang ibinigay ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) sa muling pagsalang nito sa pagdinig ng Senate Committee on Health kaugnay sa sobrang pondo ng state health insurer.

Ayon kay PhilHealth Senior Vice President Renato Limsiaco Jr., nagbigay na ng go signal ang Office of the Government Corporate Counsel (OGCC) para bayaran ang mga denied claims ng mga ospital.


Sinabi ni Limsiaco na kahit na-deny na mabayaran ang claims noong una dahil sa late submission, ito ay babayaran pa rin ng korporasyon oras na maaprubahan ng PhilHealth board.

Aniya pa, malaking kaluwagan ito sa bahagi ng mga pagamutan kabilang ang mga non-hospital facilities para maibigay na ang pondo sa kanila.

Tinukoy naman ni PhilHealth Senior Vice President and Spokesperson Dr. Israel Pargas na ang Private Hospitals Association of the Philippines Incorporated (PHAPI) at government hospitals ay mayroon pang P10 billion na ike-claim mula sa PhilHealth.

Facebook Comments