Nanindigan ang Department of Foreign Affairs (DFA) na ipupursige nila ang territorial claim sa Sabah.
Ito ang inihayag ni Secretary Teodoro Locsin Jr. sa pagdinig ng Senado sa proposed ₱21 billion 2021 budget ng ahensya.
Ayon kay Locsin, itutuloy niya ang Philippine claim na isinulong ni dating Pangulong Diosdado Macapagal at sinuportahan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Batid din ng kalihim na naisantabi ang territorial claim nang pumasok ang administrasyon ni dating Pangulong Corazon Aquino.
‘’We are not a country to be ignored…. so please treat us with more respect,” sabi ni Locsin.
Bukod dito, iginiit din ni Locsin na hindi ibebenta ang real estate properties sa Japan.
Ang properties ng Pilipinas sa Tokyo at Kobe ay bahagi ng Japanese reparations bunga ng World War II.