Clamping at towing sa mga nakaparadang sasakyan sa Maynila, sinuspinde muna

Suspendido na muna ang clamping at towing sa mga sasakyan na nakaparada sa mga kalsada sa Lungsod ng Maynila.

Ayon sa bagong talagang Manila Traffic and Parking Bureau Officer-In-Charge na si Narciso Diokno III, pansamantalang sinuspinde ang clamping at towing dahil sa dami ng mga motoristang nagrereklamo.

Ayon kay Diokno, epektibo rin agad ang naturang kautusan.


Nagbabala naman ito sa mga hindi susunod sa direktiba na mahaharap sa kaukulang aksyon.

Facebook Comments