Clark Airport sa Pampanga, nakapagtala ng pinakamataas na 50°C na heat index

Naitala ang pinakamataas na heat index sa Clark Airport, Pampanga na 50°C ngayong araw, May 6.

Batay sa datos ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nakapagtala rin ng danger level na heat index ang 32 lugar sa bansa kabilang na rito ang Metro Manila.

Magugunitang naitala sa Iba, Zambales ang pinakamataas na heat index ngayong taon na pumalo sa 53°C noong April 28.


Sinundan naman ito ng 51°C na heat index sa Dagupan City noong April 29.

Ang heat index ay ang damang init ng katawan bunsod ng pinagsamang epekto ng temperatura at alinsangan ng hangin.

Facebook Comments