Manila, Philippines – Inihayag ngayon ng National Organizing Committee ng Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) na ang Clark International Airport sa Pampanga ang gagamiting airport ng mga state leaders na dadalo sa ASEAN Summit sa susunod na buwan.
Ayon kay NOC Director General Ambassador Marciano Paynor, mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-utos na hindi dapat maapektohan ang mga commercial flights sa Ninoy Aquino International Airport o sa NAIA.
Sinabi ni Paynor na noong 2015 APEC Summit ay 450 flights ang nakansela sa NAIA dahil sa summit dahil ito ang ginamit na airport ng mga state leaders.
Dahil mas kaunti aniya ang gumagamit na eroplano sa Clark kaya ito ang pinaka-logical na gamitin dahil kaunti lamang ang maaapektuhang flights.
Pero sinabi din nito na maaapektuhan pa rin ang traffic sa NAIA dahil na rin sa iba pang delegado na darating sa bansa kaya magpapatupad ang pamahalaan ng stop and go policy para ma-control ang traffic.