Clark Int’l Airport, posibleng maibalik na ang operasyon ngayong araw

Inaasahang magbabalik operasyon na ngayong araw ang Clark International Airport matapos ang magnitude 6.1 na lindol sa Luzon.

Sa isang statement, sinabi ni Clark International Airport Corporation President Jaime Melo na ‘structurally sound’ ang kanilang terminal at tower.

Aniya, business as usual ang paliparan mula sa counters hanggang manifest at hanggang boarding gates.


‘Fully restored’ na rin aniya ang kanilang power, flight information systems at CCTVs.

Sabi naman ni Transportation Secretary Art Tugade na nakipag-usap na siya sa mga airlines companies at sinabihan na tiyaking tulungan ang mga naapektuhang pasahero.

Patuloy naman ang clearing operations at pagsasaayos sa pre-departure area ng nasabing paliparan matapos bumagsak ang bahagi ng kisame nito.

Facebook Comments