Naniniwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na malaki ang potensyal ng Clark Metropolis na maging investment at tourism destination ng bansa.
Ayon kay Pangulong Marcos, ang mga ganitong klase ng proyekto ay nagpapaabot ng mensahe sa mga potential investor na seryoso ang bansa na magbigay ng sapat na imprastraktura at pasilidad upang tiyakin ang paglago ng kanilang pamumuhunan.
Sa pamamagitan din aniya nito ay maaari nang mag-host ang Clark ng iba’t ibang economic activities kabilang ang innovation labs, creative workshops, manufacturing concerns, leisure complexes at cyber corridor.
Ang 19.81-kilometer six-lane na access road ang magkokonekta sa New Clark City (NCC) at sa Clark International Airport (CIA).
Layunin ng proyekto na maibsan ang traffic congestion at mapalakas pa ang paglago ng ekonomiya sa pamamagitan ng pagpapaganda sa travel efficiency sa buong Luzon.