Class suit, pinag-aaralang isampa laban sa Manila Water

Manila, Philippines – Pinag-aaralan na ng mga kongresista ang pagsasampa ng class suit laban sa Manila Water dahil sa nararanasang kakulangan ng supply ng tubig sa Metro Manila at karatig lalawigan.

Ayon kay House Committee on Housing and Urban Development Chairman at Negros Occidental Representative Albee Benitez, nais nilang mabigyan ng hustisya ang mga naperwisyong residente ng water interruption.

Aniya, inamin na ng Manila Water ang naging paglabag nila sa concession agreement at kapabayaan kaya at kailangang mabayaran ang mga naapektuhang consumer.


Sabi pa ni Benitez, hindi sila papayag na hindi mapanagot ang Manila Water.

Aniya, maaaring singilin ng mahigit dalawang bilyong piso ang Manila Water kung aabutin ng tatlong buwan bago maibalik nito ang dalawangpu’t apat na serbisyo ng tubig sa mga consumer.

Facebook Comments