Class suspensions, pwede pa ring ideklara sa distance learning – DepEd

Maaari pa ring ideklara ang class suspensions kahit hindi pisikal na pumapasok ang mga estudyante sa mga eskwelahan.

Ayon kay Department of Education (DepEd) Undersecretary Diosdado San Antonio, posible pa ring isuspinde ang klase kahit ipinapatupad ang distance o blended learning.

Ang class suspensions aniya ay idedeklara sa “extreme cases” tulad ng pananalasa ng isang bagyo o blackout.


Ang Local Government Units (LGU) ang mismong magdedeklara ng class suspension.

Dahil ipinatutupad ang home-based schooling, ang bilang ng araw ng klase ay maaaring umiksi.

Sa ilalim ng Executive Order No. 66 na nilagdaan ni dating Pangulong Noynoy Aquino, ang kanselasyon o suspensyon ng klase ay inalis na sa hurisdiksyon ng DepEd at mga local executives na ang may awtoridad sa pagdedeklara nito batay sa sitwasyon sa kanilang nasasakupan.

Muli ring iginiit ng DepEd na ang patakaran sa automatic suspension ng klase sa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signals ay mananatili.

Batay sa tentative school calendar, October 5 ang pagbubukas ng klase at magtatapos sa June 16, 2021.

Facebook Comments