CLASSHOPE ng DepED 2, Sinimulan na!

Cauayan City, Isabela – Sinimulan na ng Department of Education Region 2 ang programang ‘CLASSHOPE’. Layunin nito na higit na mapagtuunan ng pansin ang pangarap ng mga nasa malalayong lugar na makapag aral.

Kaugnay nito, ay nauna nang pinasinayaan nung July 2019 at isinagawa sa ikatlong pagkakataon ang UP-UP Isabela o Usapang Pangkapayapaan, Usapang Pangkaunlaran na pinangunahan ng Tactical Operations Group 2 ng Philippine Airforce ayon kay Ginoong Amir Aquino, Public Affairs Officer

Bukod dito, nagtayo rin ng dormitory malapit sa paaralan ng San Juan Integrated School kasama ang kanilang mga guro at ilan sa mga estudyante na malalayo ang lugar gaya ng Lasam at Sto. Niño.


Ayon pa kay Ginoong Aquino, may mga ilang ahensya na rin ng gobyerno na nagbigay ng libreng tulong sa mga piling mag aaral na siyang magbibigay ng mga pangunahing pangangailangan ng mga ito gaya ng pagbibigay ng 500 pesos na allowance kada linggo o katumbas ng 2,000 kada buwan.

Sa huli, nagboluntaryo ring mag adopt ng isang piling mag aaral ang Tactical Operations Group 2. Patuloy naman na hinihikayat ng nasabing tanggapan ang pagbibigay ng boluntaryong tulong sa mga nag aaral.

Facebook Comments