Cauayan City, Isabela – Patuloy pa rin ang isinasagawang pagpapatayo sa dalawang silid-aralan ng San Antonio at Alibagu Elementary School sa City of Ilagan kaugnay sa Balikatan Exercise ng pinagsamang US at Philippine Military.
Ito ang kinumpirma ni Commanding Officer ng 86th Infantry Battalion Col. Remegio Dulatre sa naging ugnayan ng RMN Cauayan sa Programang Straight to the Point kaninang umaga.
Aniya, target nilang matapos ang mga ipinapatayong Classroom sa ika-labing isa nitong buwan ng Mayo at sa bawat isang gusali ay mayroong dalawang classroom na gagamitin ng mga estudyante.
Ayon pa kay Col. Dulatre, manpower lamang umano ang kanilang naging kontribusyon at wala umanong ginastos ang mga militar sa mga ginamit na materyales sa pagpapatayo ng naturang classroom.
Pinuri pa ni Col. Dulatre ang armed forces ng Amerika dahil sa patuloy nilang magandang pakikipag-ugnayan at Napakaganda umano ang kanilang palitan ng pagsisikap sa mga US militar hindi lamang sa labanan kundi pati sa pagpapatayo ng mga classroom para sa ikabubuti ng mamamayang Pilipino.