Classroom shortage, posibleng lumala kung hindi popondohan ang rehabilitasyon ng mga silid-aralan – DepEd

Posibleng makaranas ang mga mag-aaral ng classroom shortage sa mga susunod na taon kung hindi maglalaan ng pondo para sa pagsasaayos ng mga pasilidad lalo na sa mga paaralang naapektuhan ng mga kalamidad.

Sabi ni DepEd Usec. Epimaco Densing III, “major challenge” sa ahensya ang kakulangan ng mga silid-aralan.

Batay sa aktwal na imbentaryo ng mga classroom, aabot sa 91,000 classrooms ang kulang sa buong bansa.


“With these, we ask of them, interventions or strategies to be able to reduce or zero out the shortages in classroom. The strategies that we will be imploring is temporary learning spaces, do shifting of schedule of classes, coordination with the non-government organization, civil societies organization and some private entities to be able to produce classrooms… With those interventions, we will be able to reduce more than half of the projected shortage from around 91,000 to around 40,000,” ani Densing.

Ayon pa kay Densing, aabot na sa P40 billion ang kinakailangang pondo ng DepEd para sa rehabilitasyon ng mga classroom na naapektuhan ng mga kalamidad mula pa noong 2015.

Aniya, P16 billion dito ang agarang kailangan para sa pagsasaayos sa mga napinsala ng lindol sa Abra at ng bagyong Odette at Agaton.

Umaasa naman ang DepEd na magbibigay ang Department of Budget and Management ng P5.9 billion na pondo para sa pagpapatayo ng mga bagong school buildings; P1.5 billion para sa repairs at P2 billion para sa Quick Response Fund (QRF) ng ahensya sa susunod na taon.

Facebook Comments