Claudine Barreto, inaming may sama ng loob kay Raymart Santiago at Jodi Sta. Maria

257

Inamin ng aktres na si Claudine Barreto na mayroon siyang sama ng loob sa dating asawa na si Raymart Santiago at sa girlfriend nitong so Jodi Sta. Maria.

Ayon kay Claudine, noong nag-uumpisa pa lamang ang relasyon ng dalawa ay hiniling na niyang abisuhan siya sa oras na ilalantad na nila ang kanilang relasyon para hindi sa iba malalaman ng kanilang mga anak na si Sabina at Santino.


Ngunit giit ng aktres, hindi raw ito sinunod ng dalawa ang kaniyang kahilingan na naging dahilan para sumama ang loob ng kaniyang mga anak.

Kwento pa ni Claudine, bahagyang nakaramdam din daw siya ng inis noon kay Jodi dahil hindi man lang daw ito nagpasintabi sa kanya noong nanliligaw pa lamang sa kanya si Raymart.

Samantala, patuloy naman ang pagiging pribado at tahimik ng relasyon nina Jodi at Raymart sa kabila ng mga patutsada ng kaniyang dating asawa.

Facebook Comments