Matapos ang 15 taon, muling magtatambal sina Claudine Barretto at Piolo Pascual para sa isang pelikula.
Ayon kay Claudine, ang blockbuster director na si Cathy Garcia-Molina ang mag di-direk ng kanilang pelikula na kukunan pa sa Florence, Italy.
Magsisimula raw ang kanilang shooting sa June o July ngayong taon.
Nabatid na huling nagkasama ang mga ito sa pelikulang Milan.
Facebook Comments