Claudine Barretto, ipinagtanggol ang panganay na anak

944

Manila, Philippines – Ipinagtanggol ng aktres na si Claudine Barretto ang naging pagpuna sa kanyang anak na si Sabina sa social media.

Pinuna ng netizens ang panganay na anak ni Barretto ng hindi man lang ito nakitaan ng reaksyon sa sorpresa niya para kaniyang ika-15th birthday nito.

Napuna rin ng netizen ang hindi pagiging grateful ni Sabina sa pag-ampon sa kanya ni Claudine.


Depensa naman aktres, galing sa practice ng G-Force ang panganay na anak kaya wala ito sa kondisyon.

Say pa ni Claudine na hindi naman kasalanan ng bata na siya ang pumili rito para mag-ampon sa kanya.

Facebook Comments