Claudine Barretto, nagbigay ng simpatya kay Bea Alonzo

Usap-usapan ngayon ang tila pagbibigay simpatya ni Claudine Barretto kay Bea Alonzo.

Sa kanyang Instagram, nag-post si Claudine ng diumano’y pasaring sa kanyang kapatid na si Marjorie.

Nag-comment din sito sa post ni Bea na: “[broken heart emoji], you are loved [heart emoji]”.


Ang post ni Bea ay iniuugnay sa nababalitang pagtataksil sa kanya ng boyfriend niyang si Gerald Anderson.

May ilan ding diretsong ipinukol ang komento ni Claudine sa kanyang pamangking si Julia Baretto, na inaakusahang “third party” sa relasyon nina Bea at Gerald Anderson.

Hindi na sinagot ni Bea ang mga comments sa post niya dahil sinabi naman niya na hindi siya pormal na hiniwalayan ni Gerald.

Facebook Comments