Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay CENRO Officer Engr. Alejo Lamsen, magtutungo aniya ang kanyang grupo bukas sa Cauayan City Airport para sa gagawing paglilinis ng damo at pagtatanggal ng mga sanga ng punong-kahoy na nakakasagabal sa pag landing ng mga eroplano.
Katuwang aniya nila sa pagsasagawa ng ‘trimming’ ang mga tauhan ng Tactical Operations Group (TOG) 2 at mga barangay officials ng San Fermin.
Nagbigay na rin ng abiso ang DENR sa CENRO Cauayan para sa gagawing ‘trimming’ sa palibot ng Airport.
Bukod sa gagawing paglilinis sa Cauayan City Airport, magsasagawa din ang ahensya ng clean-up drive sa gilid ng ilog Cagayan kasama ang mga miyembro ng East Pacific Star Bottlers Philippines Inc.
Ayon kay Engr. Lamsen, mahalaga aniya na mapangalagaan ang ating kapaligiran kaya sa pamamagitan aniya ng bayanihan sa paglilinis ay naipapakita ang pagmamahal sa Kalikasan.