CLEAN-UP DRIVE, ISINAGAWA SA BRGY. TAGARAN

CAUAYAN CITY- Naging matagumpay ang isinagawang clean-up drive kahapon ika-9 ng Hunyo sa Brgy. Tagaran sa siyudad ng Cauayan

Sa naging panayam ng IFM News Team kay Committee on Clean and Green Daniel Acob, ang aktibidad na ito ay kolaborasyon ng Brgy. Tagaran, BPATS, at PNP Cauayan.

Aniya, katuwang nila sa paglilinis ang mga volunteers mula sa kanilang barangay kabilang na ang mga miyembro ng 4Ps kung saan mandatoryo ang kanilang pagsali.


Watch more balita here: 200 KALALAKIHAN, NABENEPISYUHAN NG LIBRENG TULI

Dagdag pa nito, kumpara sa mga nakaraang clean up drive ay napansin nito na nabawasan o kumonti ang kanilang mga nalinisang basura.

Kaugnay nito, mahigpit pa rin na ipinapatupad ang tamang pagtatapon ng basura kung saan ang sinumang mahuling lumabag nito ay mapapatawan ng kaukulang multa.

Facebook Comments