CLEAN-UP DRIVE KONTRA DENGUE, ISINAGAWA SA CARANGLAAN, DAGUPAN CITY

Nilinisan at sumailalim sa misting ang bahagi ng Brgy. Caranglaan, Dagupan City bilang hakbang kontra dengue.

Kasabay nito, sinuyod ng City Health Office–Environmental Health & Sanitation ang mga lugar na posibleng pamugaran ng lamok upang maiwasan makapagtala ng kaso ng sakit.

Bukod sa paglilinis at pagpapausok, 65 na kabahayan din ang hinikayat maging mapalinis sa kapaligiran nang walang naiipong tubig ang pwedeng pamugaran ng lamok.

Patuloy ang mga hakbang ng tanggapan upang maiwasan ang pagkakatala ng sakit, partikular sa mga bahaging nanatiling may tubig baha bunsod ng mga nagdaang sama ng panahon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments