Manila, Philippines – Simula bukas, Biyernes Oct. 27, magiging puspusan na ang clean up drive ng mmda sa mga public at private cemeteries sa Maynila.
Ayon kay mmda chairman danny lim, sa ilalim ng kanilang oplan undas bawal muna ang mag-leave at mag-absent ang kanilang mga tauhan
Kabilang sa mga sementeryong tiniyak na pananatilihing malinis ng MMDA ay ang manila north cemetery, Manila south cemetery at iba pang libingan sa Metro Manila .
Samantala, aabot naman sa mahigit 2,800 na mga personnel ang kanilang itatalaga simula bukas kabilang ang mga traffic constable na magmamando sa trapiko hanggang sa Nobyembre 2.
Paiigitingin din anila ang panghuhuli sa traffic violators at jaywalking, gayundin sa pagtatanggal ng obstruction sa kalsada.
Facebook Comments