Clean-up drive sa Boracay, gagawin din sa Manila Bay – DOT

Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Tourism (DOT) na gagayahin nila ang isinagawang clean-up efforts sa Boracay Island para sa rehabilitasyon ng Manila Bay.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, layunin nitong maibalik ang dating kabantugan ng Manila Bay bilang makasaysayang water landmark.

Dagdag pa ng kalihim – mahigpit ding papairalin sa mga establisyimento na ‘no accreditation, no operation’.


Isusulong ang Manila Bay bilang isang kapita-pitagan at magandang tourism destination.

Facebook Comments