Sama-samang nilinis ng mga kawani ng lokal na pamahalaan sa Basista ang mga pampublikong sementeryo upang matiyak ang kalinisan at kaayusan ng mga ito bago dumagsa ang publiko sa araw ng Undas.
Nilininisan at isinaayos ang bahagi ng Public Memorial Cemetery, Roman Cemetery at Independent Cemetery upang masigurong, maayos, at komportable ang mga bibisita.
Ayon sa lokal na pamahalaan, mag-iikot at mamamasyal sa mismong araw ng Undas ang mga opisyal ng bayan upang imonitor ang tatlong sementeryo at masiguro ang maayos na daloy ng mga bisita.
Bukod pa rito, pinaiigting din ang koordinasyon sa iba pang ahensya para sa maayos na pagpapatupad ng plano sa maayos na daloy ng trapiko, at makontrol ang dagsa ng publiko maging sa mga pasyalan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









