Patuloy ang mga isinasagawang cleanup operations sa iba’t-ibang bahagi ng bayan ng Lingayen sa pangunguna ng Municipal Environment and Natural Resources Office.
Kamakailan ay sunod-sunod na clean up drives ang isinagawa sa bayan kabilang na rito ang paglilinis sa bahagi ng Palaris at ilan pang barangay.
Tulong tulong ang tanggapan kasama ang mga Sangguniang Kabataan at iba pang nagboluntaryo sa paglilinis ng mga bahagi kung saan nagkalat ang mga basura.
Ayon sa MENRO, nakalulungkot umano na may mga ganitong sitwasyon kung saan nagkalat pa rin sa paligid ang mga basura ngunit patuloy pa rin umano sila sa paglilinis at pagsasagawa ng aksyon.
Bahagi pa rin ito ng patuloy na pagsulong sa kampanya ng lokal na pamahalaan ukol sa environmental protection. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments









