Tuloy pa ring maka-avail ng libreng krudo ang mga bus units na nagkakalaloob ng libreng transportasyon sa mga Health Workers hanggang sa Mayo 15.
Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade, pinalawig pa ng CleanFuel ang pagbibigay nila ng ‘Free Fuel Subsidy’ sa mga piling gas stations para sa mga bus unit na sumali sa Free Ride for Health Workers Program na inisyatibo ng Department of Transportation (DOTr).
Paliwanag ng Kalihim, nagpasiya ang oil company na magtuluy-tuloy ang pagbibigay nila ng libreng krudo mula nang palawigin ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa iba’t ibang lugar sa bansa kabilang ang National Capital Region.
Ayon naman kay Transportation Assistant Secretary for Road Transport Steve Pastor, malaki ang maitutulong nito sa mga bus operators para magpapatuloy ang paghahatid sa mga health frontliners sa kanilang trabaho at pauwi sa bahay.
Nagsimula ang pagbibigay ng Fuel Subsidy Assistance ng Clean Fuel noon pang April 8 kasama ang iba pang oil companies tulad ng Phoenix Petroleum, Petron Corporation, Seaoil Philippines at Total Philippines.