Nilinis at inayos ng hanay ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), kasama ang Bureau of Fire Protection (BFP) at ang Barangay Disaster Risk Reduction and Management Committee (BDRRMC) sa Bayambang ng kanilang mga nasasakupang evacuation center.
Paghahanda ito para sa maaaring emerhensiya at mapanatili itong maayos para sa kaligtasan ng mga sakop na komunidad.
Ilan pa sa mga evacuation centers sa bayan ang nakatakdang linisin at ayusin tulad ng Manambong Parte, Manambong Sur, at Pantol upang mapanatili ang kondisyon ng mga ito.
Samantala, inaasahang matatapos ang operasyon ng paglilinis sa Sabado. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









