Cleaning Operations sa Baguio, Sinisimulan Na!

25

Baguio, Philippines – Matapos ang hagupit ni bagyong Ompong, sinisimulan na ng mga ahensya ng gobyerno ang paglilinis sa mga naapektuhan nito.

Kasabay din niyan ang pag-aayos ng Baguio Benguet Electric Cooperative o BENECO sa mga linya at poste na nabuwal ng malakas na hangin dala ng bagyo.

Ilang barangay pa sa syudad ang walang kuryente kaya naman doble ang pagkilos ngayon ng BENECO sa pagsasaayos ng mga linyang naputol at nasira.

Nililinis na rin ang tatlong pangunahing daan papasok at palabas ng Baguio, ang Nagulian Road, Marcos Highway at Kennon Road! 

iDOL, kumusta ang bagyo sa inyong lugar?

| | Virus-free. www.avast.com |

Facebook Comments