Cleaning operations sa mga sementeryo, sinimula na ng MMDA

Manila, Philippines – Sinimulan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang cleaning operations sa mga sementeryo sa Metro Manila bilang paghahanda sa nalalapit na All Saints’ Day sa November 1.

Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim, kasado na ang kanilang Oplan Undas at bilang bahagi nito ay magse-set up sila ng public assistance centers at ambulansya sa Manila North Cemetery, South Cemetery, Loyola Memorial Park sa Marikina City at San Juan Public Cemetery.

Tututukan din ng MMDA ang mga bus terminals kung saan magde-deploy sila ng reckless driving enforcement team, anti-jaywalking unit at sidewalk clearing operations group.


Sa kabuuan, aabot sa 2,866 personnel ang ipakakalat ng MMDA para sa Undas.

Facebook Comments