Manila, Philippines – Naniniwala si Senador Panfilo Lacson na resulta ng pinaigting na internal cleansing ng Philippine National Police (PNP) ang dumaraming bilang ng police scalawags.
Isinusulong ni Senador Panfilo Lacson ang pag-amyenda sa Republic Act 6975 na layong ibalik ang training ng mga bagitong pulis sa PNP Academy mula sa Philippine Public Safety College.
Ayon kay Lacson, dapat manatili ang maayos ang training at disiplina ng mga bagong pulis upang tuluyang malinis ang kanilang hanay.
Dagdag pa ng Senado, ang paglilipat ng training at recruitment sa PNP ay magbibigay daan para mas mapagtibay ang record check at background investigation.
Ang pagkakahuli aniya sa mga pulis ay hindi nangangahulungang dumarami ang mga police scalawags.
Patunay lamang ito na maigting ang ginagawang kampanya ng PNP laban sa mga tiwali at abusadong pulis.