Clearance mula sa Office of the President, hinihintay ng DOH para sa mga bakunang ido-donate ng Pilipinas sa ibang mga bansa

Hinihintay na lamang ng pamahalaan ang clearance na magmumula sa Office of the President (OP) para sa pagbibigay ng Pilipinas ng COVID-19 vaccines sa ibang mga bansa.

Sila naman aniya sa Department of Health (DOH) ay patuloy sa pakikipag-ugnayan sa Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Budget and Management (DBM) at maging sa OP para dito.

Matatandaan na planong ibigay ng Pilipinas sa ibang bansa ang mga bakuna ng pamahalaan na malapit nang ma-expire upang hindi masayang.


Ilan lamang sa mga bansa na posibleng mapabilang sa mga makakatanggap ng donasyong bakuna ng Pilipinas ay ang Myanmar, Cambodia, at ilan ang bansa sa Africa.

Facebook Comments