CLEARED | 90% ng Marawi City, ligtas na mula sa mga hindi sumabog na bomba

Nasa 90 porsyento ng cleared ang Marawi City mula sa mga hindi sumabog na bomba.

Ayon kay AFP chief of Staff General Carlito Galvez, 10 percent na lang ng lungsod ang kailangang suyurin ng militar para matiyak na wala ng natirang pampasabog na posibleng sadyang iniwan ng Maute group.

Aniya, ang pagtatanggal sa mga pampasabog ay para sa kapakanan ng safety engineers, mga residente at iba pa na babalik at tutulong sa rehabilitasyon.


Sabi ni AFP Spokesperson Colonel Edgard Arevalo, target nilang masimulan ang rehabilitasyon ng Marawi bago matapos ang 2018.

Aminado naman ang AFP na mahirap na proseso ito kaya wala pang maibigay na timeline.

Facebook Comments