CLEARING OPERATION | 10 sasakyan, binatak ng MMDA

Manila, Philippines – Tinikitan at binatak ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mahigit sampung sasakyan sa isinagawa nilang clearing operation sa Baclaran, Pasay City.

Mismong isinagawa ang operasyon sa Roxas Boulevard hanggang sa Baclaran Church.

Ang mga binatak na sasakyan ay dinala na sa impounding area ng MMDA sa Marikina City.


Binalaan naman ng MMDA ang motorista na sumunod na lamang sa batas trapiko.

Facebook Comments