Nagkasa ng clearing operation ang ilang tauhan ng lokal ng pamahalaan ng Maynila sa may paligid ng simbahan ng Quiapo.
Ito’y dahil sa ilang reklamo sa mga nagtitinda kung saan naka-iistorbo na ang mga ito at hindi na kanais-nais tingnan ang paligid ng naturang simbahan.
Ilan sa mga kinumpiska nilang paninda ay mga damit, herbal medicines, mga prutas at iba pa.
Sinira din ng mga nagkasa ng operasyon ang mga crate, lamesa, upuan at mga tolda na permanente ng ikinabit sa paligid ng Plaza Miranda.
Umalma naman ang mga nagtitinda dahil kanilang iginigiit na hindi nararapat gawin ang ganitong clearing operation lalo na’t wala silang ibang pagkakakitaan ngayong may COVID-19 pandemic.
Ang mga nakumpiska naman na paninda ay maaaring mabawi kung saan kinakailangan lamang na kumuha sila ng clearance sa Manila City Hall.