CLEARING OPERATION, ISINAGAWA SA MAGSAYSAY FISH MARKET

Isinagawa kahapon ang isang clearing operation sa bahagi ng Magsaysay Fish Market at sa sidewalk sa bahagi ng Downtown, Dagupan City sa pangunguna ng Anti-Littering team.
Nilinis ang mga parte na dapat daanan ng mga mamimili at kinumpiska ang mga gamit ng mga tinderang hindi sumusunod sa mga bahaging dapat lamang pagpwestuhan.
Maging sa sidewalk, tiniyak na walang lalampas sa yellow line ng kalsada sa pagbebenta at pinakiusapan ang mga tindero at tindera sa pagsunod sa mga patakaran.
Ayon kay Anti-Littering Team Head Jaime Jong Serna Jr., dinaan lamang nila sa maayos na pakiusap ang paglilinis sa palengke upang mabigyan ng mas malawak na daanan at maging maaliwalas ang lugar na pinaglalakuan ng mga tindero at pamimili ng mga mamimili.
Hindi na rin umano ibabalik ng grupo ang mga nakumpiskang gamit habang magpapatuloy ang kanilang monitoring matapos ang naganap na paglilinis sa naturang bahagi.
Kasabay rin nito ay ang paglilinis ng tanggapan ng City Engineering Office ng drainage system sa palengke upang magkaroon ng mas malinis at maayos na pagdadaluyan ang tubig na ginagamit sa palengke. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments