Clearing operation sa 11 lugar na dahilan ng pagbaha sa NLEX, sinimulan na

Sinimulan na ang clearing operations sa 11 na natukoy na lugar na dahilan ng pagbaha sa North Luzon Expressway o NLEX.

Kasunod na rin ito ng pagpupulong ng Department of Transportation o DOTr, Toll Regulatory Board o TRB, NLEX Corporation, Valenzuela at Meycauayan local government unit (LGU), at Department of Public Works and Highways o DPWH noong nakaraang Sabado.

Ito’y bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos na magtulungan ang mga ahensiya ng pamahalaan para maiwasan ang pagbaha tuwing tag-ulan.

Magpapatuloy ang clearing at dredging operations sa mga waterway sa Valenzuela at Meycauayan, Bulacan para matiyak na maayos ang daloy ng tubig at maiwasan ang pagbaha hindi lamang sa NLEX, kundi pati na rin sa mga kalapit na lugar.

Facebook Comments