CLEARING OPERATION SA INIWANG BAKAS NI BAGYONG EMONG PANGASINAN, NAGPAPATULOY

Patuloy ang clearing operations ng awtoridad sa pinsalang iniwan ng Bagyong Emong sa Pangasinan.

Sa Mangaldan, tinanggal at nilinis ang mga nagtumbahang puno sa bahagi ng Barangay Betang at Tebag dahil sa naranasang pag-ulan na nagpalambot sa lupa.

Lantad din sa kakalsadahan ng Western Pangasinan ang mga puno sa ilang bayan na kinailangan agad putulin upang malinisan ang daan ng mga motorista maging ang nakahilig na mga poste ng kuryente at telcos maging wasak na kabahayan dahil sa hagupit ng bagyo.

Nag-abiso na rin ang ilang lokal na pamahalaan na maaaring makaranas ng limitadong suplay ng tubig dahil sa kawalan ng kuryente ganon din ang hindi stable na koneksyon ng mga telcos.

Kinompirma naman ng National Grid Corporation of the Philippines na balik normal na kahapon ang ang Luzon Grid matapos maisaayos ang ilang nasirang linya.

Kaugnay nito, patuloy pa ang isinasagawang paglilinis sa mga apektadong lugar kaakibat ng monitoring sa mga flood-prone areas at relief operations upang matiyak ang kaligtasan ng publiko. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments